|
Post by jhezz19 on May 6, 2005 15:09:20 GMT -5
Magsisimula sa Lunes (Mayo 9) ang teleseryeng Mga Anghel Na Walang Langit pagkatapos ng TV Patrol World sa ABS-CBN
Ang Mga Anghel Na Walang Langit ay base sa isang classic na pelikulang minahal ng balana noong 1970. Sinulat ng batikang nobelista sa komiks at manunulat sa pelikulang si Pablo S. Gomez, ang Mga Anghel Na Walang Langit ay pinrodyus ni Fernando Poe Jr. at nanalo ng Best Picture award sa FAMAS noong 1970.
Nagwagi rin bilang Best Child Performer ang isa sa mga batang artista rito -- si Roderick Paulate.
Ang naiwang kabiyak ni FPJ na si Susan Roces ang nagbigay ng pahintulot upang magamit ng ABS-CBN ang pamagat na Mga Anghel Na Walang Langit para sa produksyong ito.
Sa banda ng mga musmos na gaganap bilang Mga Anghel Na Walang Langit, pinatawa na tayo nina Nikki Bagaporo, Carl John Barrameda, John Mando, Miles Ocampo at Sharleen San Pedro sa kanilang hit na Sunday gag show na Goin’ Bulilit.
Lalo natin silang mamahalin habang kinukurot nila ang ating mga puso bilang mga batanglansangan sa Mga Anghel Na Walang Langit.
Makakasama nina Nikki, Carl John, John, Miles at Sharleen ang kapwa nilang batang artista na si Eliza Pineda.
Susuportahan ang Mga Anghel… nina Johnny Delgado, Maricel Laxa, Sylvia Sanchez, Ana Capri, Ryan Eigenmann, Allen Dizon at Alma Moreno.
|
|
|
Post by rohanna on May 7, 2005 6:05:20 GMT -5
uP q lang t0h..
|
|